PMA CLASS 2024 HANDANG IDEPENSA ANG TERITORYO

MAGSISIPAGTAPOS ngayon ang 278 kadete ng Philippine Military Academy o ang PMA Bagong Sinag Class of 2024 Sa Fort Del Pilar, Baguio City.

Kinabibilangan ito ng 224 lalaki at 54 kababaihang kadete kung saan 144 ay mapupunta sa Philippine Army, 62 sa Air Force at 72 sa Navy.

Ang pagtatapos ay pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tiniyak naman ng mga magsisipagtapos kung saan ang class valedictorian ay si 1st Class Cadet Jeneth Elumba, na handa nilang idepensa  ang teritoryo ng Pilipinas laban sa China.

Aminado ang mga ito na bahagi ng kanilang mandato ang  katapatan sa Konstitusyon, sa bansa, at sa mga mamamayan

Ayon sa mga kadete, batid nila ang mga nagaganap  na pag-atake at pangha-harass ng China Coastguard sa mga tauhan ng Philippine Coastguard sa West Philippine Sea.

Samantala, aminado ang mga PMAer na bahagi ng kanilang mandato ang  katapatan sa Konstitusyon, sa bansa, at sa mga mamamayan.