PMA ENTRANCE EXAMS SIMULA NA

SIMULA ngayong Sa­bado ay bubuksan na ang ilang serye ng entrance test para sa Phi­lippine Military Academy (PMA) class 2028.

Ang naturang entrance examination ay nakatakdang gawin sa  46 na testing center sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Unang isasagawa ito sa Mindanao na nakatakda sa Agosto 10 hanggang 11, 2024. Sunod ang Visayas at Region 5 sa August 24-25.

Sa National Capital Region at Region 4-A at 4-B naman ay magsisimula sa Setyembre 7 hanggang Setyembre 8.

Huling magsasagawa ng examination ang Central at iba pang rehiyon sa North Luzon na nakatakda naman sa September 21 hanggang 22.

Ayon kay PMA spokesperson Maj. Ma­­ria Charito Dulay, naabisuhan na ng pamosong military school ang mga kukuha ng naturang pagsusulit kaugnay sa mga nakatakdang araw.

Samantala, ang mga PMA cadet na papasa sa naturang pagsusulit ay sasabak sa apat na taong military training program at hahanguin silang magiging opisyal at lider ng mga major command ng Armed Forces of the Philippines: Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.

Ang mga ito ay magagawaran ng Bachelor of Science- Degree in Management Major in Security Studies.

VERLIN RUIZ