BENGUET – TAGUMPAY ang Philippine Military Academy (PMA) sa kanilang panawagan sa mga politikong dumalo sa alumni homecoming na huwag samantalahin ang event para mamulitika.
Kahapon ay takaw pansin ang mga miyembro ng PMA na kakandidato para sa May 13 midterm elections. Gayunpaman ay sumunod ang mga ito sa paulit-ulit na panawagan ng institusyon na huwag mamulitika.
Sinabi ni Lt. Col. Harry Baliaga, spokesman ng PMA, bagaman nakakuha ng pansin ang mga tatakbo sa halalan, miyembro o adopted member ay umiral naman ang military dicipline sa loob ng PMA ground dahil walang sumama o nagpakalat ng kanilang campaign materials sa loob at paligid malapit sa PMA.
Una nang pinaalalahanan ng pamunuan ng PMA at Philippine Military Academy Alumni Association ang lahat ng politiko at kanilang Alumni na sasabak sa 2019 Mid-Term Elections.
Ayon sa PMA ang Alumni Homecoming sa PMA grounds ay isang sagradong lugar para lang sa mga lehitimong graduate premier militay school.
Ilan sa mga PMA Alumni na sasabak sa halalan na nakita kahapon ay sina Gary Alejano, Ronald Bato dela Rosa, Art Lumibao, Leopoldo Bataoil at adopted na si Sen. JV Ejercito.
Sinabi naman ng guest speaker na si Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, mahalaga ang natutunan niyang disiplina sa PMA dahil naintinidhan niya ang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte na resulta kung bakit naisalba ang Boracay Island gayundin ang paglilinis sa Manila Bay.
Samantala, binigyan ng Outstanding Award si AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal bilang bagong Hepe ng Sandata-hang Lakas ng Pilipinas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.