ZAMBALES- PATULOY ang imbestigasyon sa pagkatagpo sa isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy na walang buhay sa loob ng restroom ng kanilang barracks sa nasabing paaralan sa bayan ng San Narciso.
Kinilala ang biktima na si 4th Class Jonash Bondoc.
Dakong alas-6:30 ng umaga noong Hulyo 6 nang matagpuang wala nang buhay si Bondoc sa loob ng palikuran ng kanilang barracks.
Isinugod pa ito sa ospital sa lugar subalit idineklarang dead on arribal ng physician.
Hindi pa natutukoy kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng kadete.
Kaugnay nito, boluntaryong naghain ng kanilang courtesy resignation ang Commandant Cadets, Battalion Officer at Company Officer ñg PMMA para bigyan daan ang gagawing imbestigasyon ng pulisya.
Nangako din ang pamunuan ng PMMA na makikipagtulungan sa pulisya upang malaman ang katotohan sa pagkamatay ng naturang kadete. ROEL TARAYAO
308971 522012Really good design and amazing content material , absolutely nothing else we want : D. 330196