PMPC BIBIGYAN NG POSTHUMOUS AWARDS SINA EDDIE GARCIA AT ENVIRONMENTALIST GINA LOPEZ

ISANG maning­ning na gabi ng mga bituin ang handog ng sa mga tagahanga at manonood sa telebisyon sa pagdaraos ng Philippine Movie Press Club ng PMPC Star Awards for Television na gaganapin ngayong 7PM sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University, Quezon City.

Maliban sa parangal sa iba’t ibang kategorya ang ibibigay sa best TV shows and performances nang nagdaang taon, bibigyan din ng PMPC ng Posthumous Awards ang legendary actor na si Eddie Garcia at TV host/environmentalist Regina Paz “Gina” Lopez.

POSTHUMOUS AWARD as an ICON OF PHILIPPINE TELEVISION

Tinawag si Eddie Garcia bilang isang ins­titusyon sa Philippine Television Industry eddie garciaat nagbigay ng de kalidad ng entertainment sa mga Filipino sa buong mundo.

Ang kabuuan ng kanyang mga nagawa – pang-habangbuhay ng mataas na kalidad at award-winning roles and  performances sa te­leserye, comedy shows, drama anthologies, and drama series – ay malaki ang naging impact sa TV industry.

Malaki ang kanyang naging kontribusyon sa industriya ng Philippine Entertainment na nakatulong para maitaas ang antas ng lokal na industriya para maging mas competitive business tulad ng nangyayari ngayon.

Gayundin, ang kanyang itinagal sa industriya kung saan nanalo at pinarangalan siya ng iba’t ibang award-giving bodies bilang isang television actor ay nagsilbi ring ins­pirasyon at paghikayat sa kanyang mga kapanabayan at mga kasamahan sa showbiz.

Nasa kanya ang tunay na respeto at paghanga  ng buong industriya ng Philippine Entertainment at kinokonsidera siya na isa sa mga pinaka-maimpluwensiyang ICONS sa telebisyon.

POSTHUMOUS AWARD FOR TELEVISION EXCELLENCE 

Samantala, si Lopez naman ay nagkaroon ng pagbanggit para sa kanyang pang-gina lopezhabang buhay na dedikasyon at pangako sa serbisyo publiko at nation building sa pamamagitan ng kanyang programa sa telebisyon na nakasentro sa ecology, environment at child welfare and protection.

Naging kampeon siya ng karapatan ang proteksiyon ng mga batang Filipino sa pamamagitan ng kanyang pambihirang Bantay Bata Foundation habang isinusulong niya ang tungkol sa environmental awareness sa kanyang programang G-DIARIES.

Tulad ni Garcia, na­ging inspirasyon din at paghikayat sa kanyang mga kasamahan lalo na sa industriya ng Philippine Television na nagbigay rin ng de kalidad na entertainment, information, at education sa mga  Filipino at sa buong mundo.

Sa kanyang pagkahilig sa napiling adbokasiya, nakuha ni Lopez ang respeto at pag­hanga ng industriya ng Philippine Entertainment na nagbigay sa kanya ng titulo bilang isa sa pinaka-maimpluwensiyang Television Personalities at isang marubdob na “ECO WARRIOR”

Sa pangunahing award, maglalaban para sa Best Drama Actress sina: Angel Locsin (The General’s Daughter/ABS-CBN 2;) Beauty Gonzales (Kadenang Ginto/ABS-CBN 2); Bela Padilla (Mea Culpa: Sino Ang May Sala?/ ABS-CBN 2); Dimples Romana (Kadenang Ginto/ ABS-CBN 2); Jodi Sta. Maria (Mea Culpa: Sino Ang Maysala?/ABS-CBN 2); Max Collins (Bihag/GMA 7); Nora Aunor (Onanay/GMA 7); Yasmien Kurdi  (Hiram Na Anak/ GMA 7);

Para sa Best Drama Actor: Alden Richards (Victor Magtanggol/GMA 7); Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano/ ABS-CBN 2); Dennis Trillo (Cain At Abel/ GMA 7); Dingdong Dantes (Cain At Abel/ GMA 7)

Jericho Rosales (Halik/ ABS-CBN 2); JM De Guzman (Araw Gabi/ABS-CBN 2); Joshua Garcia (Ngayon At Kailanman/ ABS-CBN 2); Ronaldo Valdez (Los Bastardos/ ABS-CBN 2).

Ang PMPC ay isang grupo ng mga propesyunal na entertainment columnists at editors, sa iba’t ibang tri-media outlets at digital platforms sa bansa sa pamumuno ng kasalukuyang pangulong si Sandy Mariano,

Mula sa produksiyon ng Airtime Marketing ni Tess Celestino at sa direksiyon ni Bert de Leon, magsisilbing hosts sina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Robi Domingo at Enchong Dee.

Mapanonood ang delayed telecast ng 33rd PMPC Star Awards for Television sa October 20 sa Sunday’s Best, ABS-CBN.

Comments are closed.