PNG: UNANG GOLD SA BAGUIO RUNNER

SINUNGKIT ng runner mula sa Baguio City ang unang ginto sa Philippine National Games (PNG) na umarangkada kahapon sa Cebu City Sports Center.

Si  Cristabel Martes ay nanguna sa  women’s 10,000-meter run nang tatangkain nito ang ika-2 ginto sa women’s 5,000-meter run.

Ibinigay naman ni Roneth Ayuda ang unang ginto ng Cebu City makaraang madominahan ang  women’s high jump.

Nauna rito ay inanunsiyo kamakalawa  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pormal na pagbubukas ng PNG 2018 ang pagdoble sa premyong mata-tanggap ng mga mananalong grupo.

Mula sa P5 mil­yon ay itataas ito sa P10 mil­yon, habang P8 milyon naman ang matatanggap ng first runner-up, P6 milyon sa second runner-up, P4 milyon sa third runner up, at P2 milyon para sa fourth runner up.

Una nang inihayag  ng Philippine Sports Commission, sa pamumuno  ni Chairman William Ramirez, na P15 milyon ang naghihintay sa mapapa-bilang sa Top 5 sa nasabing sporting event.

Ang  torneo ay matatapos sa Biyernes, Mayo 25.

Comments are closed.