PNP AALALAY SA MOCK ELECTION

NANINIWALA si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos na ang pagsasagawa ng nationwide mock election sa Disyembre 29 ay makatutulong sa police force para may matutunan sa pag-oobserba sa actual flow ng proseso sa nalalapit na 2022 National and Local Elections.

Gayunman, hinihintay na lamang ng PNP ang anunsyo mula sa Commission on Election (COMELEC) hinggil planong mock elections at tiniyak ang kahandaan na umalalay sa nasabing aktibidad.

“We will be waiting for the official advisory from Comelec regarding the planned mock elections. But definitely, the PNP is willing to extend assistance for this activity,” pagtitiyak ni Carlos.

Sinabi ni Carlos na ang pre-election activity ay makatutulong sa PNP na tukuyin ang strategic plan para sa e deployment at pag-aaral sa mga aspetong dapat nilang isulong o i-improve pa.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang PNP personnel ay hindi pinapayagan na makapasok sa iba’t ibang voting precincts, subalit sila ay naatasan na panatilihin ang peace and order sa bisinidad.

Inatasan din ang PNP sa pagbibigay ng kaligtasan sa transportation ng ballots at iba pang election paraphernalia