PNP AASISTE SA ‘MISTAKEN IDENTITY’ VICTIM

pnp

CAMP CRAME- TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na handa silang alalayan at tulungan ang online journalist na inaresto dahil sa pagsasampa ng kaso tulad sa nangyari na “mistaken identity” sa kaso ni Margarita Valle sa Languindingan Airport sa Cagayan de Oro.

Binigyang-diin ni Banac na itinuturing ng PNP na “regrettable” ang nangyari kay Valle.

Una nang humingi ng paumanhin at pang-u­nawa si CIDG-9 regional chief Col. Tuzon sa nangyari kay Valle.

Si Valle ay inaresto ng CIDG noong Linggo ng umaga sa Laguin­dingan airport at dinala sa CIDG-Pagadian City, sa pag-aakala na siya ay si Elsa Renton, isang communist leader na subject ng dalawang arrest warrants para sa kasong multiple murder, frustrated murder at arson.

Sa isang press conference sa lungsod ng Quezon, sinabi ni Valle na “unlawful arrest” ang ginawa ng mga pulis sa hindi pagpapahintulot sa kanya na basahin ang arrest warrant o tumawag sa kanyang abogado.

Sinabi naman ng abogado ni Valle na si Atty. Kathy Panguban, na magsasampa sila ng arbitrary detention charges laban sa CIDG.

Tiniyak naman ni Banac na isang “full dress investigation” ang isinasagawa ngayon para madetermina kung may lapses at kung sino ang dapat panagutin sa nangyari. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.