PNP-ACG AAKSIYON SA FACEBOOK CLONING

Archie Gamboa

CAMP CRAME – MAGING ang PNP Anti-Cybercrime Group ay aaksyon na para imbestigahan ang Facebook cloning.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, inatasan niya na ang ACG na magsagawa ng imbestigasyon para matukoy kung bakit biglang tumaas ang mga dummy account na wala namang impormasyon.

Sa kasalukuyan, hinihikayat ni Gamboa ang mga netizen na i-report ang mga pekeng account para hindi na ito magamit pa sa kalokohan tulad na lang ng pagpapakalat ng maling impormasyon.

Aalamin ng ACG kung kailan nalikha ang mga dummy account, bakit wala itong laman at kung may kinalaman ito sa mga kumokontra sa Anti-Terror Bill.

Agad na ring inatasan ng Department of Justice ang Cybercrime Division ng NBI na imbestigahan ang pagkalat ng mga pekeng FB account. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.