SUMALANG sa simultaneous drug test ang lahat ng tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group para masiguro na drug free ang tanggapan nito.
Ayon kay PNP-AKG Director Gen. Jonnel C. Estomo, magsisilbing magandang ehemplo ang pagsisimula ng drug test sa mga miyembro ito sa punong himpilan ng PNP-AKG.
Sinabayan din ito ng pagsusuri sa urine samples ng mga tauhan ng AKG mula Luzon Visayas at Mindanao Field units
Ayon kay PNP-AKG Spokesman P/Major Rannie Lumactod, layuning ng nasabing simultaneous drug test ay malinis ang kanilang hanay laban sa mga sangkot o gumagamit ng illegal drugs or substances na pinangunahan mismo ni Estomo .
Alinsunod na rin ito sa naging kautusan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na magsagawa ng random drug test sa lahat ng PNP personnel.
“Vision is not enough; it must be combined with venture. It is not enough to stare up to the step; we must step up the stairs,” ani Sinas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.