PNP- AKG PERSONNEL NAMIGAY NG RELIEF GOODS SA CAVITE

RELIEF GOODS

NAGING abala kahapon ang mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group sa repacking ng mga relief supplies na kanilang ipamimigay sa kanilang mga target beneficiary sa Brgy Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Ayon kay PNP AKG Spokesperson Police Major Ronaldo Lumactod Jr, nagsimula ang inisyatibo nilang gawin dahil sa pangunguna nang  kanilang Director na si PBGEN Jonnel Estomo na isang Cavitenyo.

Makikinabang dito ang 500 Pamilya na residente ng Brgy Cabuco na matinding naapektuhan ng epekto ng Lockdown sa Luzon.

Sinabi ni Lumactod na naipon ang Pondo mula sa Kontribusyon ng lahat ng mga tauhan ng PNP AKG.

Ngayong araw ay dadalhin ang relief goods sa Cavite para maipamahagi.

Ang lalawigan ng Cavite ay kasama sa Extended ECQ hanggang May 15 dahil sa mataas din na kaso ng COVID 19 gayundi ang mga lung-sod ng Bacoor, Dasmariñas at Imus. REA SARMIENTO

Comments are closed.