PNP ANTI-CYBERCRIME CAPABILITIES ILE-LEVEL UP

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na kaniyang pabubutihin ang anti-cybercrime capacity ng Philippines National Police (PNP).

Sa kaniyang pahayag sa nitong Lunes sa isinagawang flag ceremony sa PNP, nagpahayag ng pagkabahala si Abalos sa tumataas na cybercrimes kabilang ang cyberpornography nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.

“Alam ko ito ay bagong phenomena sa atin kaya please just inform me anong equipment ang kailangan ninyo,” ayon kay Abalos.

Hinikayat din ng kalihim na mag-seminar o mag-aral po o kumuha pa ng technical people sa cybercrime kung kinakailangan.

“Kung kinakaila­ngan mag-seminar o mag-aral po o kumuha pa ng technical people sa cybercrime, please do so inform us the soonest,” anang kalihim.

Pinayuhan din nito na turuan ang publiko tungkol sa cybercrimes.

Kasabay nito, ipinangako din ni Abalos na lilikha siya ng team na tutulong sa mga pulis na mahaharap sa asunto o legal battles upang mapigilan ang demora­lisasyon sa hanay ng PNP.

Aniya, kapag ang isang police officers ay nasangkot sa legal cases bagamat ginawa lamang nito kung ano ang tama sa trabaho, tutulungan ito ng team na siyang magsasagawa ng pagsusuri ng mga ebidensiya.

“Hindi ako papayag ma-demoralize ang ating mga pulis, gagawa ako ng sistema to raise funds, titignan ko ito, kung nasa lugar at tama naman I will create a team to evaluate the evidence, ‘wag kayong mag-alala,” giit pa niya.

“Tutulungan ko ang mga kapulisyahan, I want you never to be demoralized, akin with our duty to uphold the law, to make sure that there is peace and order in our country,” dagdag pa ng DILG chief.
EVELYN GARCIA