INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Phiippine National Police (PNP) at Armed Forces of the philippines (AFP) na tumulong sa pamamahagi ng cash assistance sa mga maralitang pamilya at mga iba pang qualified families na apektado ng ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) Commander Ltgen Guillermo Eleazar kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa maayos na papamahagi ng Social Amelioration Card ng gobyerno.
Dahil ditto lahat ng unit commanders at mga chiefs of police pababa sa mga municipal at city levels ay inatasan nang simulan na ang pakikipagkoordinasyon sa mga local offices ng DSWD na kanilang nasasakupan at maglatag ng plano kung paano maisasakatuparan ang mabilis at maayos na distribution ng cash assistance sa kanilang mga area of responsibilities (AORs).
Layunin din umano nito na matiyak ang seguridad ng mga local social workers na naatasan na mamahagi ng cash assistance habang tinitiyak na masusunod ang rules on social distancing at home quarantine para sa kaligtasang pangkalusugan ng mga DSWD at mga police personnel, maging mga beneficiaries at kanilang mga pamilya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.