PNP AT DILG TINULIGSA SA “ANG PROBINSYANO”

PNP-DILG-PROBINSIYANO

NAKATIKIM ng tuligsa ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilang nagpakilalang artists bunsod ng tangkang pag-censor sa TV series na “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon sa grupong LODI (Let’s Organize for Democracy and Integrity) hindi ang action drama ang nakade-demoralize sa mga pulis kundi ang kanilang drug war.

Magugunitang mismong si PNP chief,  DG Oscar Albayalde ang pumuna sa nasabing TV series na bunsod ng tila “unfair portrayal” sa police force.

Suportado naman ni DILG Secretary Eduardo Año si Albayalde sa pagsasabing pinag-aaralan nila ang paggamit  ng legal action laban sa ga nasa likod ng silat na tv  show.

Magugunitang hu­mingi na rin ng pasensiya si Coco Martin aka Cardo Dalisay sa PNP habang iniutos na rin ng pamunuan ng PNP na “immediately refrain from assisting, to withdraw their support to the production” ng nasabing TV series.

Samantala, umaasa pa rin ang mga kawani ng PNP na maaayos ang gusot sa nasabing usapin.

Sa pagkilala para sa kahusayan ng mga pulis sa Diamond Golden Awards, sinabi ng most outstanding police officers na sina PO2 Benjie Gomez at Police Inspector Ferdinand Belandres na nananatili pa rin silang fan ni Coco habang nauunawaan din anila dahil direktang nasi­raan ang posisyon ng pinakamataas na lider sa PNP sa kathang isip na sa serye.       VERLIN RUIZ