PNP AT EX SOLON NAGKASAGUTAN SA PAGDINIG NG SENADO

Carranza-Chong

NAGING mainit ang pagdinig kahapon ng Senate committee on public order and dangerous drugs sa kaso ng pagpatay sa tauhan ng dating kongresista ng Biliran na si Atty. Glenn Chong.

Mismong si Chong kasi ang pumukol ng ilang tanong ng direkta sa pinuno ng Calabarzon PNP na si C/Supt. Edward Caranza, sa halip na mga senador.

Matatandaang nasawi ang aide ng Biliran solon na si Richard Santillan noong Disyembre 2018 sa isang shootout sa Cainta, Rizal.

Iniuugnay ng mga awtoridad si Santillan sa “Highway Boys” na responsable raw sa iba’t ibang krimen, kasama na ang pagpatay sa pulis.

Kinuwestiyon naman ng kampo ni Chong ang pagkakapatay sa kanyang aide at sinabing siya umano talaga ang target ng pamamas­lang.

Nakitaan din umano ng senyales ng pag-torture ang bangkay ni Santillan, bagay na itinatanggi naman ng PNP Calabarzon.

Iginiit naman ni Caranza, hindi dapat haluan ng opinyon ang findings ng mga imbestigador, lalo na kung may personal na inter-es ang nakikisali sa kaso.       VICKY  CERVALES