PNP AT INTERPOL SANIB-PUWERSA VS JOMA SISON

JOMA SISON

CAMP CRAME – NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Philippine National Police (PNP) sa International Police para maaresto si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison at 36 iba pa hinggil sa Inopacan Massacre.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 32 ang pag-aresto sa mga ito kaugnay sa nangyaring masaker noong 1980.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Interpol bilang standard operating procedures lalo na’t ilan sa mga tinutugis nila ay nasa ibang bansa na.

Nakikipagtulungan rin sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mabilis na maaresto ang lahat ng mga inutos ng kor­te na arestuhin na may kinalaman sa insidente. Noong nakalipas na linggo ay lumabas ang order ng Manila Regional Trial Court Branch 32 hinggil dito.  Tiniyak ni Banac na nananatiling alerto ang PNP para tugisin ang mga ito. REA SARMIENTO / VERLIN RUIZ

Comments are closed.