PNP AT PDEA DAPAT MAG-USAP VS DRUG WAR – YAP

DAPAT  talagang mag-usap ang Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa kanilang anti-drug operations para maiwasan ang misencounter, ayon sa Anti-Crime and Terrorism – Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Rep. Eric Yap, “coordination lang ang susi para walang mapatay o masaktan sa government forces on this continuing war on drugs”.

Ang tinutukoy ni Cong. Yap ay ang engkuwentro na muntik na namang maganap sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA, sa isang mall sa Fairview, Quezon city kamakailan habang isinasagawa ang kani-kanilang drug bust operations.

“Definitely walang coordination dahil ang sabi baka mag-leak ang operations kapag sinabi sa kabaro sa kabilang ahensya,” ani Yap.

Dagdag pa ng mambabatas, “kung walang tiwala sa isa’t-isa, then how will we win this war on drugs?”.

Matatandaang minsan nang nagpang-abot ang PNP at PDEA may ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, sa isa ring mall sa QC kung saan may mga pulis at PDEA operatives ang namatay at nasaktan.

Samantala, una nang inanunsyo ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar na magpupulong sila ni PDEA Director General Wilkins Villanueva para sa mas maigting na koordinasyon at komunikasyon labanan ang drug syndicate. PMRT

6 thoughts on “PNP AT PDEA DAPAT MAG-USAP VS DRUG WAR – YAP”

  1. 628607 10575I cant say that I completely agree, but then again Ive never actually thought of it quite like that before. Thanks for giving me something to take into consideration when Im supposed to have an empty mind while trying to fall asleep tonight lol.. 609404

  2. 498663 598727I typically cant uncover it in me to care enough to leaves a comment for articles on the web but this was truly pretty good, thanks and maintain it up, Ill check back once again 5209

Comments are closed.