PNP AT SIMBAHAN NAG-USAP PARA SA PEACE TALKS

Peace talk

CAMP CRAME – NAG-USAP na sina Philippine National Police (PNP) Chief, Gen Oscar Albayalde at Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle para magtulu­ngan sa pagsusulong ng localized peace­ talks sa pagitan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines New People’s Army (NPA).

Naniniwala ang PNP na kailangang magtulungan ang Church at Security sector para matapos na ang deka-dekada ng problema sa local insurgency sa bansa.

Ayon kay Police Major Gen Benigno Durana Jr., director ng Directorate for Public and Community relations, suhestiyon ni Cardinal Tagle sa ginawang pagpupulong ang pagkakaroon ng Ecumenical Fellowship o pagsasama-sama ng lahat ng iba’t ibang religious congregations sa bansa para ipagdasal ang problema sa insurgency.

Giit pa ni Alba­yalde na ang panawagan para sa pagkakaroon ng peace talks ay dapat nagmumula sa malawak na sektor ng komunidad at hindi lamang effort ng gob­yerno.

Isinumbong din ni Albayalde kay Tagle ang ginagawang pag­halo ng communist terrorist group sa mga church organization

Nagkasundo ang dalawang panig na  aktibong  isusulong ang national government effort na End Local Communist Armed Conflict kasama pa ang iba’t ibang sector REA SARMIENTO

Comments are closed.