PNP AVSEGROUP NAGDAGDAG NG TAUHAN SA MGA PALIPARAN

PNP Aviation Security Group

PASAY CITY – NAGDAGDAG na ng mga tauhan ang PNP Aviation Security Group sa mga paliparan sa bansa.

Ito ay matapos na magpatupad ng heightened alert ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pali­paran, pantalan, railways at road transport terminals.

Kasunod ito ng naganap na pagsabog sa Lamitan City, Basilan na ikinasawi ng sampu katao.

Ayon kay PNP Aviation Security group Director Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ang pagdadagdag nila ng tauhan sa mga security postings ay dahil sa security directive ng Office for Transportation Security (OTS).

Aniya, partikular nilang idene-deploy ang karagdagang tauhan sa mga paliparan, lalo na sa Ninoy Aquino lnternational Airport (NAIA), ang kanilang counter hijack trained personnel.

Sa kabila ng dagdag puwersa sa mga pali­paran, nanatili aniyang payapa at ligtas sa mga paliparan sa bansa at wala silang namo-monitor na anu-mang specific threat ngunit nagpapatupad sila ngayon ng extra precautionary measures upang hindi sila malusutan.     R. SARMIENTO

Comments are closed.