NASA quarantine facility ang bagong itinalagang PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) chief sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magpositibo sa COVID-19.
Nito lamang Pebrero 2 itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Director General Florencio Ortilla bilang bagong pinuno ng PNP-AVSEGROUP na kasalukuyang naka-confined sa Asian Hospital.
Bago nagka-COVID si Ortilla ay nag-inspection pa ito sa tatlong NAIA terminals noong nakaraang Linggo at sa Clark International Airport (CIA) kung kaya’t naging palaisipan ito ng kanyang mga tauhan kung saan siya nahawaan ng COVID-19.
Nabatid na pagkabalik nito galing sa inspection, nakaramdam si Ortilla ng minor symptom ng COVID-19 at agad ito nagtungo sa paggamutan para magpa-check up at nagpositibo ito sa virus kabilang ang 30 pang CIA- ASG opisyal na kasama sa inspection.
Sa kasalukuyang nagsasagawa ang ASG ng disinfections proceedings at contract tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ni Ortilla at pinangalingan ng kanyang sakit. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.