PNP BALIK-ESKUWELA MODE NA

PNP

CAMP CRAME – MAKARAAN ang matagumpay na paglalatag ng seguridad sa katatapos na may midterm elections,  ang pagbubukas naman ng klase sa Hunyo 3 ang tututukan ng mga pulis.

Inanunsiyo ni PNP Chief, General Oscar Alba­yalde na nakapokus ang 190,000 puwersa ng pulisya para tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa nasabing petsa.

Sa kanyang press conference sa Camp Crame kahapon ng umaga, sinabi ng heneral na naglabas na siya ng operational guidelines para sa  Ligtas Balik-Eskuwela 2019.

Alinsunod sa kanyang direktiba, ang lahat ng police regional offices at national support units ay may atas para matiyak ang nationwide security, public safety plan at kahandaan ng lahat ng PNP units at mga tauhan nito.

Makikipag-ugnayan din ang PNP sa Department of Education at Commission on Higher Education.

Inaasahang 29 million students sa buong bansa ang papasok sa iba’t ibang ­institusyon sa pagbubukas ng klase.

“There are 23 million students across the country in various grade levels are expected to troop to schools for simultaneous opening of classes in both public and private learning institutions,” ayon kay Albayalde.

Samantala, binigyan din ni Albayalde ang mga regional director ng kapangyarihan na ilagay sa full alert status ang kanilang nasasakupan kung kinakaila­ngan. EUNICE C.

Comments are closed.