PNP BANTAY-SARADO SA VOTE BUYING AT SELLING

CAMP CRAME – TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na tutugon sila sa bilin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na paigtingin ang pagbabantay upang masawata ang vote bu­ying and selling.

Ang direktiba ni Año ay ibinigay sa press conference sa Camp Crame ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya bilang pagtugon sa mga ulat na laganap na vote buying sa ilang bahagi ng bansa

Nais aniya kasi ng kalihim na mas paigtingin pa ng PNP ang kanilang pagbabantay sa mga barangay para mapigilan ang pagbili at pagbebenta ng bo-to.

Sakaling magkaroon ng mga ulat ng vote buying, dapat na agad itong imbestigahan ng PNP.

Binigyang-diin ni Año na kailangang mapaparusahan ang mga mapatutunayang may kasalanan sa vote bu­ying at selling.

Madali naman aniyang matukoy kapag nagaganap ang vote buying sa araw ng halalan.

“Kapag may mga nagkukumpulan at nagkakagulo sa presinto, siguradong nagbebentahan na ng boto,” ayon kay Malaya.

Samantala, maging  si DILG Usec. Martin Diño ang nagsabi na laganap ang vote buying and selling sa buong Pilipinas.

Tumugon naman ang PNP na palalakasin nila ang kanilang pagpapatrolya sa iba’t ibang barangay. EUNICE C.

 

Comments are closed.