PNP BARANGAYANIHAN: ANG TITSER KONG PULIS

HINDI lang panlaban sa kriminalidad gaya ng pagtugis sa mga magnanakaw, paghuli sa drug pusher at quarantine violators ang mga pulis.

Sila rin ay gumaganap ng charitable works para sa taumbayan at ang ganitong gawain ang tinututukan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) na pinamumunuan ni Police Brigadier General Eric Noble na nasa ilalim naman ng pamamahala ni Police Community Relations Group Director, Maj. Gen. Rhodel O. Sermonia.

Tungkulin ng mga ito na mapaganda ang relasyon ng Philippine National Police (PNP) sa taumbayan o komunidad na sinimulan sa rural     areas na naglalayong ila­pit ang serbisyo ng mga pulis.

Maraming serbisyo pantulong ang PNP na nagsimula nang isailalim sa pandemya ang Pilipinas kasabay ng ibang bansa dahil sa CO­VID-19.Abot ng kaalaman ng pulisya ang hirap ng buhay sa panahon ng kuwarantina lalo na sa mga malalayong komunidad.

Kaya noong Setyembre 9, 2020 sa panahon ni dating PNP Chief Ret. Gen. Camilo Pancratius Cascolan,  inilunsad ang unang barangay community relations project ng PNP para maibsan ang hirap na dinaranas ng nasa kanayunan, ang Barangay COVID-19 Defense (BaCod) at Food Bank na naglalayong tulungan ang nakatira sa mga malalayong bara­ngay.

Pangunahing gina­gam­panan ng BaCod at Food Bank ang magbigay ng relief goods sa mga barangay na apektado ng lockdown at hindi makapaghanapbuhay.

Ang nasabing bara­ngay project ay isinulong sa panahon ngayon ni PNP Chief General Guil­lermo Eleazar na tinawag naman ng BarangaYanihan katuwang ang Offi­cers Ladies Club o kilala sa tawag na “Misis ng Pulis.”

Hindi lang relief ope­rations ang nakapaloob sa BarangaYanihan ng PNP, kundi tumutulong din ang tinaguriang Revitalized Pulis sa iba’t ibang pangangailangan.

Halimbawa ay ang pagtulong nila sa mga may sakit na dalhin sa ospital, pagpapagawa ng bahay, pagkakabit ng kawad ng kuryente, pagtatayo ng poso at ang pinakahuli ay ang pagtuturong bumasa sa mga kabataan.

Isa sa ginawa ng mga pulis sa ilalim ng Bara­ngaYanihan ay magsagawa ng Brigada Pabasa ng mga kagawad ng Gregorio del Pilar Municipal Police Station sa Ilocos Sur.

Sa koordinasyon nila sa faculty ng Alfonso Ele­mentary School ay isinagawa ang Brigada Pabasa kung saan mismong mga pulis ang nagturo sa mga bata na makapagbasa bilang ba­hagi ng preparasyon nila sa school opening sa Setyembre 13, 2021.

“It aims to assist communities in prepa­ring the children for the next school year, teaching them the importance of education. In this program, cops help in improving the child’s lite­racy,” ayon sa PNP.

Ikinagalak naman ni Eleazar ang tagumoay ng proyekto at nagpapakita lamang aniya ng pagnanais ng PNP na makatulong sa kabataan para makamit ang magandang edukasyon at kaalaman.

“Hindi man mga guro, nariyan ang ating kapulisan para tumulong sa mga kabataan na palawakin pa ang kanilang kaalaman at bigyan ng importansya ang edukasyon,” dagdag pa ni Eleazar.

“Sa ganitong programa, mapaparamdam din sa mga kabataan na kakampi nila ang pulis at hindi kami dapat katakutan,” dagdag pa ni Eleazar. EUNICE CELARIO

9 thoughts on “PNP BARANGAYANIHAN: ANG TITSER KONG PULIS”

  1. 940424 577690Good post. I be taught 1 thing more challenging on completely different blogs everyday. It will all the time be stimulating to learn content material from other writers and apply slightly one thing from their store. Id desire to use some with the content on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a hyperlink on your net weblog. Thanks for sharing. 551359

Comments are closed.