CAMP CRAME-IKINALAGAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang ipinakitang suporta ng kanyang mga opisyal at tauhan para malampasan ang target na makalikom na P200 milyon para sa kanilang Bayanihan Fund Challenge.
Kahapon ay inanunsyo ng PNP na umabot na sa P208.1 million ang natanggap na donasyon mula sa opisyal at tauhan ng pambansang pulisya.
Magugunitang nanawagan si Gamboa sa mga kasamahang opisyal at mga tauhan na boluntaryong mag-donate para tulungan ang mga kababayang apektado ng quarantine bunsod ng lumalalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ang pagbuo ng Team PNP Bayanihan Fund Challenge ay pagtugon ng pulisya sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga less fortunate brothers and sisters ngayong panahon ng pandemic.
Batay sa kautusan ni Gamboa sa kanyang mga opisyal, 50 percent ng suweldo ay ido-donate para sa nasabing fund challenge habang ang nasa mababang ranggo ay boluntaryo kung magkano ang ibibigay.
Bukod kay Gamboa, ang iba pang PNP top brass na 3-star generals na sina Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, Number 2 in command, (Deputy Chief for Administration); Lt. Gen. Guiillermo Eleazar, No. 3 (Deputy Chief for Operations) at Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, No.4 (The Chief for Directorial Staff) at lahat ng police generals hanggang colonel ay boluntaruong nagbigay ng 50 percent ng kanilang onemonth salary sa Bayanihan Fund Challenge. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.