CAMP CRAME – ISINASAAYOS na ng Philippine National Police (PNP) ang pagbili ng bagong yunit ng 17,048 5.56m Basic Assault Rifle, ayon kay PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Archie Francisco F. Gamboa.
Ayon kay Gamboa, aabot sa P712,927,360 ang gagastusin para sa bagong armas at ito ay bahagi ng General Appropriation Act of 2019.
Naitala naman ng PNP ang 98% absorptive capacity para sa procurement ng mga bagong police equipment, habang ang PNP National Head-quarters Bids and Awards Committee ay pumasok na rin sa makasaysayang at makabuluhang partnership sa Israel Ministry of Defense (IMOD) sa pamamagitan ng ‘Government to Government’ (G2G) mode of acquisition.
Noong Disyembre 11, sina Gamboa at IMOD East Asia Regional Director Nuni Sella ay lumagda sa Implementing Arrangement na nagselyo para sa makabili ang PNP ng mga bagong rifles sa Israel Weapons Industries (IWI), isa sa nangungunang arms manufacturers sa mundo
Ang paglagda ay sinaksina ni PNP-NHQ Bids and Awards Committee, Chairman, e Major General Jose Ma Victor F Ramos, at mga miyembro ng PNP NHQ BAC, NHQ BAC Secretariat, at iba pang mga opisyal.
Ibinida rin ni Gamboa na ang isang Basic Assault Rifle ay may presyo na P41,820, na mas mababa pa sa kada yunit na nabili sa pamamagitan ng public bidding.
“The procurement through G2G was no easy undertaking. We initiated this undertaking. Through various discussions and coordination with the Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), and Department of Foreign Affairs (DFA), the historical procurement was given birth,” Ayon kay Gamboa. EUNICE C.
Comments are closed.