CAMP CRAME – PAIIGTINGIN pa ng Philippine National Police (PNP) ang modernisasyon ng kanilang maritime unit para palakasin ang pagbabantay at pagpapatrolya sa mga baybayin ng bansa.
Ito’y sa harap ng sunod-sunod na pagkakatagpo ng mga ipinagbabawal na gamot partikular na ng cocaine sa mga dalampasigan na ginagamit ng mga sindikato ng droga sa kanilang kalakalan.
Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde, isa sa kanilang hakbang tungo sa modernisasyon ay ang pagbili ng mga motorized boat gayundin ang pagsasanay ng maraming Maritime personnel.
Kamakailan lang, P2 bilyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang raid ng mga awtoridad sa isang bodega sa Cavite kung saan, dalawang dayuhan ang napatay sa operasyon.
Batay sa paunang Imbestigasyon, nasa mahigit 200 kilo ng mga nasabat na shabu ay nakuha sa karagatan at ipinupuslit sa naturang bodega para roon i-repack gayundin ay ipamahagi. EUNICE C
Comments are closed.