PNP BLANGKO SA ‘DEATH THREAT’ KAY PDU30

Bernard Banac

CAMP CRAME  – WALA umanong nakukuhang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na may banta sa buhay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Bernard Banac, wala silang nakuhang validated report na may banta sa buhay ng Pangulo.

Gayunman, tiniyak ng pulisya na bibigyan nila ng sapat na peri­meter security ang Pangulo kahit pa may sarili na itong security partikular ang Presidential Security Grou.

Nagsalita noong Martes ang Pangulo sa isang pagtitipon sa Malabon at sinabing nilagyan ng bulletproof glass ang entablado bilang bahagi ng seguridad.

Kung may banta man sa buhay ng Pangulo ito ay dahil sa kaniyang trabaho lalo na sa kampanya kontra iligal na droga, communists terrorists at mga kriminal.

Ang PSG ang siyang nangangasiwa sa seguridad ng pangulo. EUNICE C.

Comments are closed.