PNP ‘BOKYA’ NA SA SHABU LAB

Gen Oscar Albayalde

CAMP CRAME –­ ­ILANG buwan nang hindi nakatatagpo ng shabu laboratory ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Sa palagay ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nangangahulugan ito na nabawasan o naubos na ang mga pagawaan ng shabu sa bansa.

Dahil dito, aniya, natutupad na ang nais ni Pangulong Rodrigo ­Duterte na mawawala na ang shabu lab sa ­Filipinas.

Dagdag pa ni Alba­yalde simula nang pumasok ang Duterte Admi­nistration, naging relentless at massive ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ang huli aniya nilang narekober na shabu lab ay sa Arayat, Pampanga.

Subalit, inamin ni Albayalde na ang mga nakakalat pa ring ilegal na droga sa bansa ay ang mula sa labas-pasok na finished product na ilegal na droga na kanila ngayong tinututukan.

Patunay aniya rito ang ilang pirasong containers na laman ay 27 kilos ng cocaine na natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Camarines Sur. EUNICE C.

Comments are closed.