BULACAN – BLANGKO pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakakilanlan ng chop-chop na katawan ng lalaki na isinilid sa isang maleta na halos naagnas na sa Quirino Highway ng Brgy. San Manuel sa San Jose del Monte City.
Base sa report ni P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police, isang naghahakot ng basura na si Rodelio Gorriceta, 22-anyos ang nakakita sa nasabing maleta sa gilid ng kalsada dakong alas-5:30 ng umaga noong Sabado, Enero 25, 2020.
Nabatid na kinuha umano ni Gorriceta ang maleta at inilagay sa likurang bahagi ng trak ng basura.
Pagdating sa dumpsite, doon niya binuksan ang maleta at laking gulat niya nang tumambad ang isang naaagnas nang bangkay ng isang lalaki na walang ulo at walang mga binti.
Gayunman patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad kung may kaugnayan ang walang ulo na katawan ng lalaki sa natagpuang putol na bahagi ng katawan sa Marikina City. THONY ARCENAL
Comments are closed.