UPANG maging epektibo at lumakas ang serbisyo ng Philippine National Police (PNP), bumili ang pamunuan ng bagong kagamitan na magagamit para sa araw-araw na operasyon.
Ang bagong procurement ay nagkakahalaga ng P1.4 bilyon at itinuturing na malaking tulong sa pagganap ng misyon ng pulis na “to serve and protect”.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa presentasyon ng mga bagong kagamitan ng PNP sa Camp Crame sa Quezon City.
Kinabibilangan ito ng 44 na marked Light Transport Vehicles, 120 Personnel Carriers 4×4, 203 Patrol Jeep Single Cab 4×2, 5,755 ng 5.56mm Basic Assault Rifles, mga ammunition, 949 Enhanced Combat Helmets, 2,825 All-Purpose Vests at 959 All-Purpose tactical Vests.
Binilinan ng PNP Chief ang lahat ng kanilang mga tauhan na gamitin sa maayos at responsableng paraan ang bagong mga kagamitan na naayon sa pinakamataas na antas ng propesyonalismo.
Nagpasalamat naman si Acorda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong suporta sa PNP modernization program. EUNICE CELARIO