(PNP Change of Command ngayon) BAGONG PNP CHIEF SUPORTAHAN-SINAS

BILANG huling direktiba sa mahigit 220,000 pulis, ipinag-utos ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas na ibigay ang buong suporta sa kanyang successor na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

“I urge you to give my classmate, Gen. Eleazar, the same 100 percent support you gave during the past six months under my watch,” ayon kay Sinas.

Sina Sinas at Eleazar ay mag-mistah sa Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987.

Ang mga miyembro ng command group ni Eleazar ay kanya rin mistah na sina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na magiging The Deputy Chief for Administration; Lt. Gen. Ephraim Dickson na magiging Deputy Chief for Operations mula sa kasalukuyang The Chief for Directoril Staff.

Ngayong araw, alas-2 ng hapon magaganap ang change of command sa Multi-Purpose Center sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

Dahil sa pandemya, limitado ang magiging panauhin sa change of command at retirement honors para kay Sinas.

Sinabi ni Sinas na kompiyansa siya na magagawa ni Eleazar ang tungkulin bilang ama ng PNP lalo na’t maganda ang track record nito mula nang nasa akademya at nagtapos na rank number 4 sa klase at isang cum laude.

Inamin din ni Sinas na ang kanyang 6-month duty bilang ika-25 PNP chief ay ang pinakamatagal na assigment para sa organisasyon at kompiyansa na nagtagumpay siya sa iniatang na tungkulin ni Pangulong Duterte.

“It has been probably the longest six months tour of duty we have served together to accomplish our mission for the Filipino people,” pagwawakas pa ni Sinas. EUNICE CELARIO

99 thoughts on “(PNP Change of Command ngayon) BAGONG PNP CHIEF SUPORTAHAN-SINAS”

  1. Drug information. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    cialis store in qatar
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.