QUEZON CITY – ILANG oras bago magpalit ng taon mamayang hatinggabi, dadalo pa si PNP Chief DG Oscar Albayalde kasama ang Officer’s Ladies Club sa midnight mass sa Camp Crame.
Sa abiso ng PNP, kasama ni Albayalde ang PNP Command Group alas-9:30 ng gabi sa St. Joseph Chapel na nasa loob ng Camp Crame.
Umaasa naman si Albayalde na magiging matiwasay ang pagsalubong ng publiko sa Bagong Taon at walang madidisgrasya.
Magugunitang paulit-ulit ang paalala ng PNP at maging ng Department of Health na huwag nang magpaputok sa halip ay gumawa na lamang ng alternatibo para sa kaligtasan. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.