CAMP CRAME – HANDA si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na humarap sa senado sakaling ipatawag siya kaugnay sa rekomendasyong pagbubukas muli sa imbestigasyon sa Mamasapano incident.
Sa isang panayam, sinabi ni Gamboa na sakaling magdesisyon ang Senado na muling imbestigahan ang naturang kaso na kumitil sa 44 PNP Special Action Force (SAF) noong Enero 25, 2015, handa silang ipakita ang hawak nilang record o dokumento para ipaliwanag ang kasalukuyang polisiya hinggil sa kanilang operasyon.
Aniya, kung hingin ang record ng PNP o tanungin sila para linawan ang mga kasalukuyang polisiya sa PNP at sa nakalipas ay kanila naman itong ibibigay.
“If they (senators) will invite as a resource person, I would always be obliged to appear and participate,” ayon kay Gamboa.
Dagdag pa ni Gamboa na handa naman lagi ang PNP na lumahok sa mga kahalintulad na pag-uusap kung sila ay iniimbitahan para sa paglilinaw gayunman sa usapin ng reopening, kanya itong pinauubaya sa mga mambabatas dahil tiwala siya na alam ng mga ito ang makabubuti.
Ginawa ni Gamboa ang pahayag kasunod ng pahayag ni Senator Richard Gordon na nais nitong buksang muli ang imbestigasyon sa Mamasapano incident kasunod ng pagkakaabsuwelto sa kaso nina dating PNP Chief, Alan Purisima at dating SAF chief, Getulio Napenas.
Ang Mamasapano incident ay naging kontrobersiyal sa rami ng napatay na police commandos para ma-neutralize kay Malaysian bomb expert and terrorist Zulkipli Abdhir alyas Marwan sa Brgy. Tukalanipao, Mamasapano, Maguindanao. EUNICE C.
Comments are closed.