(PNP Chief, Gen. Acorda) WALA MUNANG RESHUFFLE

STATUS quo muna ang mga posisyon ng mga senior official sa Philippine National Police (PNP), ayon kay bagong PNP Chief, Gen. Benjamin C. Acorda, Jr.

Ito ay taliwas sa naging unang hakbang ng mga nakalipas na PNP chiefs na makaraang manumpa ay otomatikong nagpapatawang ng command conference.

Gayuman, hindi ang reshuffle ang agenda ng unang command conference ni Acorda nitong Marte, Abril 25, kundi ang mga pangunahin niyang agenda, halimbawa nito ay ang welfare ng pulisya at pagiging isa ng direksyon, pagpapatuloy ng internal cleansing, paglaban sa kriminalidad at pagtiyak ng kapayapaan sa bansa upang lumakas ang turismo at pagbangon ng ekonomiya.

Sinabi pa ni Acorda, na hindi muna niya gagalawin ang mga posisyon subalit lahat ay “for evaluation” kung nararapat ang mga ito sa kanilang yunit.

Habang ihahanap ang kakayahan kung saan magiging kapaki-pakinabang.

Sa ngayon, ang sumunod sa kanya bilang pinakamataas na opisyal ay si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Rhodel Sermonia, sumunod sai Deputy Chief for Operations Maj Gen. Jonnel Estomo at The Chief Directorial Staff, Lt. Gen. Michael John Dubria habang ang director ng National Capital Region Police Office ay si Maj. Gen. Edgar Alan Okubo.
EUNICE CELARIO