PNP CHIEF MARBIL KAY TORRE: LINISIN ANG CIDG

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil si PBGen. Nicolas Torre III na linisin ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ayon kay General Marbil, dapat ay magsagawa si Torre ng internal clean up sa CIDG upang maibalik ang integridad at tiwala ng publiko.

Wala raw lugar ang anumang katiwalian sa CIDG kaya kailangan na matukoy ang anumang maling aktibidad upang mapanatili ang kredibilidad nito pagdating sa police investigation at law enforcement operations

Kasama sa inaasahan kay Torre ang pagpapatupad ng reporma partikular sa  ang personnel screening, pagbibigay ng training at pagtutok sa lahat ng operasyon na may mataaas na ethical standard

Si torre ay itinalaga sa CIDG matapos ang matagumpay na operasyon sa Davao na nagresulta sa pagsuko ni KOJC leader Apollo Auibuloy at apat na kapwa akusado nito.

Samantala, dahil epektibo ang estratehiya at napasuko si Quiboloy, nakatutok naman ang operasyon ng PNP-CIDG sa paghahanap kina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at dating Bureau of Correction chief Gerald Bantag.

Sinabi ni Torre na handa siyang tugisin sina Roque at si  Bantag.

Si Roque ay may arrest order mula sa House of Representatives dahil sa pagbalewala nito sa imbitasyon  ng Kamara sa isinasagawang  imbestigasyon sa POGO.

Habang nahaharap naman sa kasong murder si Bantag kaugnay ng pamamaslang sa  broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Torre, naghihintay lamang siya ng ‘go signal’  mula kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil  upang mapag- aralan ang pag aresto kina Roque at Bantag.

Binigyan diin ni Torre na tungkulin ng PNP na papanagutin sa batas ang sinumang may sala.

EUNICE CELARIO