MAYROON nang sariling tagapagsalita si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos sa katauhan ni Col. Jean Fajardo.
Habang mananatili namang hepe ng PNP Public Information Office si BGen. Roderick Augustus Alba.
Ang PIO ay sakop ng Office of the Chief PNP.
Ayon kay Alba, lahat mga isyu na itatanong sa PNP chief ay maaaring itanong kay Fajardo habang ang isyu pangkalahan sa organisasyon ay sa kanya idaraan.
Inaasahan naman na magiging malinaw na sa publiko ang komunikasyon sa PNP. EUNICE CELARIO