PNP COVID-18 CASES NASA 86 NA LANG

LALO pang bumaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa pinakahuling datos ng PNP-Health Service 86 na lang ang ginagamot.

Bumaba ang nasabing numero makaaang 19 pulis ang gumaling habang nadagdag pa ang bagong kaso na walo kahapon.

Nitong buwan lamang ng Setyembre sumampa sa 3,217 ang Covid-19 active cases ng PNP na siyang pinaka mataas.

Mula nang magsimula ang pandemya, 42,180 tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 41, 969 ang naka-rekober, at 125 ang nasawi.

Nabatid na 99 percent vaccination rate ng mga tauhan ng PNP ay isang malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid 19 sa kanilang hanay.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pagbabakuna sa hanay ng PNP kung saan nasa 209,831 personnel ang fully vaccinated habang nasa 13,864 ang naghihintay ng kanilang second dose.

Nasa 2,051 personnel naman ang tumanggi magpa bakuna.

Nitong Martes, November 23,2021 nasa 666 medical and healthcare workers ng PNP Health Service ang nabigyan ng booster shot.