PNP-CYBERCRIME GROUP ISINALANG SA RANDOM DRUG TEST

INAANTABAYANAN ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang magiging resulta ng isinagawang random drug test sa kanilang mga tauhan.

Kasabay nito, ang pagtiyak na may kahaharapin parusa at posibleng kasong administratibo ang sinumang mapapatunayang gumagamit o positibo sa illegal substance.

Ayon kay Lt. Michelle Sabino, chief PIO ng Anti-Cybercrime Group, ang random drug test ay regular na ginagawa ng PNP sa kanilang hanay kaugnay sa kanilang anti drug campaign.

“Wala pang nagpa-positive noon. Kung may mag-positive naman may sanction sa kanila,” dagdag pa nito.

Kahapon ng umaga, nasa 24 na PNP Cybercrime personnel ang dumaan sa nasabing random drug test.

Inaasahang lalabas ang resulta nito sa loob ng 24 oras.

Umaasa naman si Sabino na lahat ay magnenegatibo sa nasabing drug test. VERLIN RUIZ