MAGING ang arawang bagong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) ay bumababa na rin.
Ito ay batay sa record ng PNP-Health Service, ay 111 pulis ang bagong dinapuan ng sakit ngayong araw na mas mababa ng 21 sa dating 132 kahapon.
Habang nasa 207 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries ay nasa 46,363 na.
Bumaba rin ang aktibong kaso na ngayon ay 1,587 na lang habang dahil mas lamang ang nabawas o gumaling kaysa dinapuan ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa PNP ay 48,086.
Wala namang nadagdag sa 126 pulis nasawi sa coronavirus disease na ang huli ay noong Enero 19.
Samantala, umabot na sa 86,035 ang pulis na tumanggap ng booster shots habang ang fully vaccinated ay nasa 218,284 na.
Ang mga naghihintay naman ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccines ay 5,978 pulis na lamang.
Patuloy pa rin ang pagkumbinsi at paliwanag sa 451 pulis na ayaw magpabakuna dahil sa sariling paniniwala habang ang 477 na may medical condition ay ikinokonsulta pa sa kanilang doktor kung nararapat tumanggap ng bakuna laban sa coronavirus disease. EUNICE CELARIO