PNP DAPAT FOCUS SA TRABAHO – ELEAZAR

Guillermo Eleazar

HINIMOK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guiller­mo Eleazar ang mga pulis sa Metro Manila na mag-focus lamang sa kanilang mga trabaho ito ay sa gitna ng mga kontro­bersiyang kinakaharap ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

“I would like to remind each and every one that we should not be distracted from this. This should not affect our campaign against criminality and illegal drugs because we have a lot of work to do,” ayon kay Eleazar.

Pahayag pa ni Eleazar na hindi dapat maapektuhan ang trabaho ng mga pulis sa Metro Manila at naka­tuon pa rin sa mandato sa publiko na labanan ang kriminalidad kabilang ang ilegal na droga.

“The allegations against the PNP should not affect our campaign against criminality and illegal drugs and we should continue our job and show to criminal elements that we remain focused on our job of relentlessly running after them to give them no chance at all,” dagdag ng NCRPO chief.

Ang isyu ngayon sa PNP ang dahilan kaya binibisita ni Eleazar ang mga pulis sa rehiyon para itaas ang kanilang morale at ituloy ang kanilang tungkulin.

Samantala, maaga ring nagsimula maghanda ang NCRPO para sa nalalapit na Undas sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Eleazar, si­nimulan na nila ang inisyal na paghahanda para sa seguridad sa Nobyembre 1 na ang layunin ay para matiyak ang mapayapang paggunita ng Araw ng mga Patay sa Metro Manila.

Ani Eleazar sila ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa mga ground commander sa mga opis­yal ng iba’t ibang terminal, sementeryo, local government unit at iba pa.

Binabantayan na rin aniya ang mga indibiduwal o grupo na posibleng ­manggulo sa Undas. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.