PAHUHUSAYIN ng Makati Medical Center (MMC) Foundation ang kapabilidad ng PNP General Hospital at iba pang pagamutan ng PNP Health Services.
Ito ang layunin ng kasunduan na nilagdaan nina PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. at MMC Foundation Chairman Manuel V Pangilinan sa isang Memorandum of Agreement (MOA).
Ang signing Ceremony ay isinagawa sa MMC Tower 3, Keyland Center, Makati City na dinaluhan din ng PNP Director for Comptrollership, PNP Health Service Director at mga opisyal ng MMC Foundation.
Nakapaloob sa kasunduan na mapagkalooban ng mahusay na healthcare services ang mga tauhan ng PNP at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Public-private partnership.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang MMC Foundation ng conferences, workshops, coaching at mentoring sessions at training interventions para sa PNP hospital management staff upang mapaangat ang kalidad ng kanilang serbisyo.
EUNICE CELARIO