PNP HANDA NA SA 3-DAY VAX DRIVE PART 2

ALL set go na ang Phiilippine Natonal Police (PNP) sa ikalawang bugso ng 3- day Nationwide Mass Vaccination Drive o ang ‘Bayanihan, Bakunahan’.

Ito ang inihayag ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos kasabay nang pagsasabing titiyakin nilang maipapatupad lahat ang pinaiiral na health proctocols.

Ang Phase ng mass vaccination ay ini adust sa Disyembre 20 hanggang Dusyembre 22 sa ilang dahil sa inaasahang pagdating ng bagyo.

Gayunman tuk9y ang ibang lugar ngayon hanggang Sabado.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, kagaya ng mga nakalipas na bakunahan, magpapakalat sila ng sapat na puwersa para siguraduhing maayos ang bakunahan.

Bukod dito, magde-deploy din ang PNP ng mga medical personnel para tumulong sa pagbabakuna.

Aktibo namang imo-monitor ng PNP ang pangkalahatang sitwasyon sa buong bansa sa pamamagitan ng mga reports na ipinapadala sa PNP Monitoring Center sa Camp Crame ng kanilang mga tauhan na naka-deploy sa iba’t ibang vaccination sites. EUNICE CELARIO