CAMP CRAME-TINIYAK ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang kahandaan ng pulisya sa napipintong pagbubukas ng klase sa Agosto 24.
Sa kanyang virtual press conference, sinabi ng Gamboa na susuportahan nila ang Department of Education (DepEd) para mapanga-lagaan ang mga magbabalik-eskuwela na mag-aaral sa gitna ng umiiral na pandemic.
Kabilang aniya dito ang pagbabantay sa mga places of convergence ng mga estudyante na bibiyahe patungo sa mga paaralan.
Mayroon na aniyang nakahandang security plan ang PNP at makikipagpulong sila sa mga paaralan at iba pang mga stakeholders para plantsahin ito.
Sinabi rin ni Gamboa na handa silang magbigay ng proteksyon sa mga guro sa mga liblib na lugar, at magturo ng crime-awareness sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng “Pulis Ko, Titser Ko Program”.
Bukod dito ay tutulong din aniya ang PNP sa Brigada-Eskuwela para ihanda ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.