(PNP handa sa bagong guidelines) GRANULAR LOCKDOWN, ALERT SYSTEM SA NCR

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar  na handa na ang pulisya kaugnay sa ipatupad ng granular lockdown at quarantine alert level system sa National Capital Region simula ngayon araw.

Una ng inatasan ni Elea­zar ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa ilalim ng pamumuno ni Maj. Gen.Vicente Danao na alamin ang nilalaman ng guidelines at ma­kipag-ugnayan sa kanilang mga Lokal na Pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran at mga pagbabago kung kinakailangan.

“Handa na ang inyong PNP sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran alin­sunod sa guidelines na inilabas para sa enforcement ng granular lockdown at quarantine alert level system sa Metro Manila,”anang PNP chief.

“We are continuously coordinating with the LGUs in Metro Manila for proper enforcement of these rules—from the identification of areas that would be placed under lockdown up to the distribution of assistance to the affected residents,”dagdag pa nito.

Sinabi pa ng heneral na bahagi ng kanilang security adjustment ang pinaikling curfew hours na magiging epektibo sa sandaling isailalim na sa Alert Level 4 ang NCR kasabay ng pagpapatupad ng granular lockdown simula ngayon.

Idinagdag pa ng PNP chief na dapat tulungan din ng pulisya ang mga Barangay sa pagpapatupad ng pinaikling curfew.

Umapela rin ito sa publiko na makiisa at sumunod hindi lamang sa curfew hours kung hindi sa lahat ng mga patakarang ipatutupad sa ilalim ng alert level system at granular lockdown.

“Sa pagpaptupad ng mga patakarang ito simula bukas, hinihiling naming ang pakikipag-tulungan ng ating mga kababayan upang maayos na maipatupad ang mga ito at kalaunan ay makamit ang mit­hiin ng mga alituntuning ito na ma-kontrol at tulu­yang matapo s ang pandemyang ito,” wika ng Chief PNP.  VERLIN RUIZ

122 thoughts on “(PNP handa sa bagong guidelines) GRANULAR LOCKDOWN, ALERT SYSTEM SA NCR”

  1. 968887 597867I dont normally look at these kinds of websites (Im a pretty shy person) – but even though I was a bit shocked as I was reading, I was undoubtedly a bit excited as nicely. Thanks for giving me a big smile for the day 56857

  2. 908568 666707A person essentially lend a hand to make significantly articles I may state. That will be the very first time I frequented your internet site page and up to now? I amazed with the research you produced to create this particular publish incredible. Fantastic activity! 603041

  3. 140146 357219You could locate two to three new levels inside L . a . Weight loss and any one someone is incredibly essential. Initial stage might be real melting away rrn the body. shed weight 125693

Comments are closed.