PNP HEALTH WORKERS INUNA SA BAKUNA

UNANG binakunahan kahapon sa Philippine National Police (PNP) si Health Service Director PBgen. Luisito Magnaye at health workers nito sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, siya sana ang unang magpapaturok pero itinakda ng Department of Health na mga health workers ang unang mabakunahan sa first batch ng bakuna na dumating galing China.

Ayon sa PNP Chief, 800 doses ang alokasyon ng PNP General Hospital mula sa 600,000 doses ng Sinovac na dumating noong Pebrero 28.

Sinabi rin ni Sinas na kaya ng PNP General Hospital na makapagbakuna ng 200 nilang tauhan kada araw.

Inaasahan ni Sinas na matatapos nila ang pagbabakuna sa unang batch ng health workers sa loob ng apat na araw. EUNICE CELARIO

15 thoughts on “PNP HEALTH WORKERS INUNA SA BAKUNA”

  1. It is appropriate time to make a few plans for the future
    and it’s time to be happy. I have read this put up and if I could I desire to recommend you few attention-grabbing issues or tips.
    Perhaps you could write next articles relating to this article.
    I wish to read even more issues about it!

Comments are closed.