CAMP CRAME – ITINURING ni Philippine National Police (PNP) Chief, DG Oscar Albayalde na kanilang hinarap ang taong 2018 na may malaking hamon at patuloy pang nakikipag-giyera sa mga balakid para sa kaligtasan ng publiko at sa huli ay napagtagumpayan din.
“2018 proved to be a year of both great challenge and success for the Philippine National Police as we continued to struggle through the institutional and social obstacles that often got in the way of our law enforcement and public safety mission,” ayon kay Albayalde.
Pangunahin aniyang misyon na kaniyang ipinagpatuloy ay ang kampanya laban sa droga habang nakikibaka sa mga kritiko na pilit silang kinukulapulan bilang “berdugo” dahil sa may mga nasawi sa kanilang operasyon at pagkatagpo naman sa mga napaslang na kabilang sa death under investigation.
Dagdag pa ni Albayalde, bagaman normal lamang ang pukulan sila ng sisi sa bilang ng mga nasawing drug personalities, kanilang hinarap ito ng taas noo dahil alam nilang wala silang nilabag na batas.
Ipinagpasalamat din ni Albayalde ang epektibong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte na buo ang suporta sa kanila at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.
“Under an effective leadership, backed by the full support of national government, the Philippine National Police went full steam in this national crusade against the three-headed hydra of crime, drugs and corruption in one whole of nation campaign, enlisting inter-agency and multi-sectoral support and advocacy,” ayon sa statement ng PNP.
Ipinagmalaki rin ni Albayalde ang “greatest achievement” ngayong 2018 ay ang quantified in real numbers upang idiskaril ang crime incidents, pagkakaroon ng swift solution sa most sensational cases at maitatak ang improvement sa kanilang kakayahan para maiwasan at maresolba ang krimen kaakibat ang greater discipline, professionalism at dedication.
“More importantly, the popular empirical expression of safety and security among our people manifested positive change in the quality of life for a large plurality of Filipinos consistent with President Duterte’s vision of a “comfortable life for all,” ayon pa sa statemeng ng PNP-Public In-formation Office na pinamumunuan ni Chief Supt. Benigno “Bong” Durana Jr. EUNICE C.
Comments are closed.