PNP HINDI AABUSO SA “BOUNTY”

Chief Supt. Benigno Durana

CAMP CRAME – Siniguro ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi aabusuhin ng kanilang hanay ang naging  pahayag ng pangulo na magbibigay ito ng pabuya sa bawat pulis na makakapatay ng kanilang senior officials na sangkot sa katiwalian lalo sa transaksiyon ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana, lahat ng galaw o operasyon ng mga pulis ay nakabatay sa batas.

Pinagbabasehan din nila ang mga  naging pahayag ng pangulo para gawin ang kanilang trabaho na naaayon pa rin sa batas.

Paliwanag pa ni Durana na nasa kapangyarihan ni Pangulong Duterte kung nais nitong bigyan ng pabuya ang mga pulis na magkakaroon ng operational accomplishments.

At kung diskum­piyado pa rin aniya ang publiko, mayroon silang  mga disciplinary authorities  katulad ng PNP Internal Affairs service, investigative units katulad ng directorate for Investigative and detective Management o DIDM, legal office ng DPRM at mga human rights offices para imbestigahan pa rin ang mga pulis na may ginawang mga pag-abuso. R. SARMIENTO

Comments are closed.