CAMP CRAME – ISA sa option ng Philippine National Police (PNP) para maproteksyunan ang mga Facebook user laban sa cloning o nagdu-duplicate ng kanilang account ay hingin ang tulong mismo ng administrator o may-ari ng nasabing social media network.
Sinabi ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na bukod sa pagkilos ng Anti-Cyber Crime Group, posibleng ka-nila ring idudulog sa FB administrator dito sa Filipinas ang nasabing isyu.
“We need the cooperation of the Facebook administrators o may ari mismo ng Facebook para mas mapabilis ito (imbes-tigasyon) kasi kung hindi sila hahabulin agad, there is a tendency na puwede nila deactivate at ‘yun at lost na naman tayo,” ayon kay Gamboa.
Nagbabala rin si Gamboa sa promotor ng FB cloning na mananagot ang mga ito at siniguradong hindi masisiyahan sa ka-nilang ginawang dummy account.
“I would like to discourage because you will be facing criminal charges and it’s not worth it na kung nais n’yo lang mambulabog, it’s not worth the risk at hindi kayo masisiyahan because full force of the law will be after you,” ayon pa kay Gamboa.
Aniya, aalamin nila kung kailan ginawa ang mga dummy account at motibo ng nasa likod nito.
Sisilipin din ng pulisya kung may konek sa pagkontra sa Anti-Terror Bill ang motibo ng FB cloning. EUNICE C.