INIHAYAG ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na naglabas ng bagong disenyo ng uniporme ang HPG para sa kanilang mga motorcycle rider upang madaling matukoy ang mga sangkot sa iligal na pag-escort ng mga VIP.
Ayon kay HPG Director Brig. Gen. Jay Cumicad, ang naturang hakbang ay bilang tugon ng kanilang tanggapan sa utos ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na istriktong ipagbawal ang illegal escorting ng mga tauhan nito.
Sa bagong Visibility Enhancer Vest ng HPG, nakalagay na sa likod nito ang motorcycle number na gamit ng HPG rider upang madaling matukoy ang pagkakakilanlan nito.
Ito rin ang magsisilbing palatandaan para makilala ang mga lehitimong tauhan ng HPG at mga nagpapanggap lang.
Una na ring ipinag-utos ng PNP chief ang istriktong maccounting ng mga pulis at sasakyan ng PNP para masiguro na hindi sangkot sa “moonlighting activity” ang mga ito.
EVELYN GARCIA