CAMP CRAME – ITINALAGA ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa si Brig. Gen. Ildebrandi N. Usana, miyembro ng PNPA Class of 1988, bilang bagong hepe ng PNP Human Rights Affairs Office (HRAO).
Si Usana ay dating Acting Regional Director and Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 7 bago maging HRAO chief.
Ang PNP-HRAO ay itinatag noong Hunyo 29, 2007.
Kasunod nito ay itinalaga rin ni Gamboa si Brig. Gen. Domingo S. Cabillan na produkto ng Philippine National Police Academy Class of 1989, bilang Deputy Regional Director for Administration, PRO 7.
Kabilang naman sa may bagong puwesto ay sina Col. Alessandro C. Abella ng PNPA Class of 1989 bilang Acting Chief, Women and Children Protection Center; at Col Armando S. De Leon ng PMA Class of 1991, bilang Acting Deputy Regional Director for Administration ng PRO 11
Habang si Col. Jimmy A. Catanes ng PNPA Class of 1989, ay pinangalanan bilang Acting Regional Director. Regional Internal Affairs Service 3.
Pahayag ni Gamboa na ang huling bugso ng rigodon ay bahagi ng pagpapatuloy na reporma sa PNP na may kabuuang 205,000 personnel. EUNICE C.